Kagabi patulog na sana ako ( past 12 am na) pero nagulat ako dahil paglingon ko sa lababo, nakakita ako ng isang pinaka-ayaw ko na insekto sa buong mundo... ang ipis. Naisipan ko tuloy na gawan siya ng artikulo bilang alaala ng kanyang pagkamatay. He!He! In memory ba!
Katsaridaphobia ang tawag sa may takot sa ipis. Di ko alam kung pano, saan at bakit ako nagkaroon ng takot sa ipis. Yup, 25 years old na ako at lalaki pa pero until now, I can't cope up this fear of cockroach. Naaalala ko lang nung bata pa ako (kahit naman ngayon eh), madalas ako nakakakita niyan sa loob ng bahay lalung lalo na sa kusina at sa labas ng bahay (madalas bago at pagkatapos umulan na nagliliparan pa na napakadami at ang liliksi pa! kumilos!). Madalas nga ako lokohin ng mga kaibigan ko na dadampot ng ipis sabay hagis sakin, o kaya parang seryoso na kunwari may ibibigay sakin na mula sa kamay nila yun pala ipis. Afterall, kaibigan ko pa rin sila. He!He!
Sa totoo lang, hindi naman dapat katakutan ang mga ipis kasi malliliit na insekto lang yan at harmless naman sa tao. Pero di ba kapag nakagat ka nun lalo na sa bandang mata, namamaga ang parte ng kinagatan? Kaya di pa ako nakakagat ng ipis sa anumang bahagi ng aking katawan dahil hinding hindi ko hahayaang mangyari yun. Madapuan nga lang eh kinikilabutan na ako, yun pa kayang makagat. Kaya nga kahit mahimbing ang tulog ko, at mag isa lang ako sa kwarto, ewan ko pero bigla akong nagigising kapag may lumilipad na ipis kasi pakiramdam ko'y balak niyang dumapo sakin. Kaya kahit pa patay ang ilaw malakas ang pakiramdam ko sa ipis. Isa rin yun sa dahilan kung bakit hindi ko pinapatay ang ilaw kapag matutulog ako dahil ang mga ipis gusto nila sa mga dark places.
Nahirapan rin ako kumuha ng larawan nila sa internet. Hindi sa mahirap maghanap ng picture (actually napakadami nga.), nahirapan akong tingnan ang picture nila dahil kinikilabutan ako (picture palang pamatay na di ba?).

Kapag naman nandiyan ang mga kapatid ko at magulang, ok lang na makita ko sila basta wag lang kikilos palapit sakin pero madalas inuutusan ko silang patayin agad yan. Kapag naman nasa ibang bahay ako o sa mga kaibigan ko (na hindi nakaka-alam na takot pala ako sa ipis), nagtatapang-tapangan ako na makita sila kahit nalipad pa (minsan nga dumapo pa sa damit ko pero tinapik ko lang). Pero sa mga kaibigan ko na maloko, he!he!, yung hinahagisan ako ng ipis at lalo akong tinatakot, yan diyan ako madalas magpanic, tumakbo, tumalon at sumigaw. Afterall kaibigan ko pa rin sila! he!he!
Minsan naisip ko dapat hindi ko nalang sinabi na takot ako sa ipis kasi kapag alam nila na takot sa sa isang bagay, lalo ka nilang lolokohin kaya magmumukha kang katawa-tawa sa paningin nila. Yung iba naniniwala na "face your fears" daw para mawala yan pero ang nangyari sakin, lalo akong natakot sa ipis. Kaya kung sinuman ang magtatanong kung may takot pa ba ako sa ipis? he!he! kailangan pa bang i-memorize yan... siyempre hindi na ako takot sa ipis! Matanda na ako at matapang kaya kayang kaya ko na silang lipunin (lunok!!!). Kaya sa mga may takot sa ipis diyan, simula ngayon, pagkatapos nyo itong mabasa, hindi na dapat kayo matakot sa ipis... kung takot pa rin kayo at may magtanong sa inyo, sabihin nyo pa rin hindi ako takot, kung ayaw nyong mahagisan ng matinik at mabalahibong...ipis.
Yung kapatid ko namang babae, takot sa bulak kaya kapag may sugat siya, madalas naiyak siya hindi dahil sa sugat kundi dun sa dampi ng bulak. He!He! Amazing di ba? (may sariling storya ang kapatid ko regarding diyan sa bulak na yan.) He!He!.
6 comments:
Hi, thanks for commenting at my post. I have read your profile and most of the movies you like is my fave too. Have a great day.
hindi naman ako takot sa ipis pero nandidiri lang hehehe.
yup, nakakadiri talaga sila lalo na kapag pinatay mo at napisa sabay labas yung "white substance" na malapot...eewww! Kadiri talaga!
hii paano ba talaga mawa ang takot sa ipis??sa totoo lang d ako makatulog ngaun kse knna bago ako umakyat sa room ko may sumalubong sa aking ipis,nalipad2 so nagpanic na ko agad tapos pumasok sa isang room,then meron pang isa na lumipad at dumapo sa ref..yung tipong d ako makagalaw sa sobrang takot kse feeling ko pag gumalaw ako bigla syang lilipad papunta sakin.tapos aun umiyak n lang ako ng umiyak,mahigit 30 mins din akong nagiiyak hanggang sa nahihirapan na kong huminga..dko kse kayang patayin,hanggang sa kumalma ako at makaakyat sa room ko..pti mga kapitbahay nagising na sa tili ko..pero wala naman silang magawa kse nakalock ang gate..huhu sna mawala na takot ko..24 na ko at parang d na normal un..

Post a Comment