Kagabi patulog na sana ako ( past 12 am na) pero nagulat ako dahil paglingon ko sa lababo, nakakita ako ng isang pinaka-ayaw ko na insekto sa buong mundo... ang ipis. Naisipan ko tuloy na gawan siya ng artikulo bilang alaala ng kanyang pagkamatay. He!He! In memory ba!
Katsaridaphobia ang tawag sa may takot sa ipis. Di ko alam kung pano, saan at bakit ako nagkaroon ng takot sa ipis. Yup, 25 years old na ako at lalaki pa pero until now, I can't cope up this fear of cockroach. Naaalala ko lang nung bata pa ako (kahit naman ngayon eh), madalas ako nakakakita niyan sa loob ng bahay lalung lalo na sa kusina at sa labas ng bahay (madalas bago at pagkatapos umulan na nagliliparan pa na napakadami at ang liliksi pa! kumilos!). Madalas nga ako lokohin ng mga kaibigan ko na dadampot ng ipis sabay hagis sakin, o kaya parang seryoso na kunwari may ibibigay sakin na mula sa kamay nila yun pala ipis. Afterall, kaibigan ko pa rin sila. He!He!
Sa totoo lang, hindi naman dapat katakutan ang mga ipis kasi malliliit na insekto lang yan at harmless naman sa tao. Pero di ba kapag nakagat ka nun lalo na sa bandang mata, namamaga ang parte ng kinagatan? Kaya di pa ako nakakagat ng ipis sa anumang bahagi ng aking katawan dahil hinding hindi ko hahayaang mangyari yun. Madapuan nga lang eh kinikilabutan na ako, yun pa kayang makagat. Kaya nga kahit mahimbing ang tulog ko, at mag isa lang ako sa kwarto, ewan ko pero bigla akong nagigising kapag may lumilipad na ipis kasi pakiramdam ko'y balak niyang dumapo sakin. Kaya kahit pa patay ang ilaw malakas ang pakiramdam ko sa ipis. Isa rin yun sa dahilan kung bakit hindi ko pinapatay ang ilaw kapag matutulog ako dahil ang mga ipis gusto nila sa mga dark places.
Nahirapan rin ako kumuha ng larawan nila sa internet. Hindi sa mahirap maghanap ng picture (actually napakadami nga.), nahirapan akong tingnan ang picture nila dahil kinikilabutan ako (picture palang pamatay na di ba?).
Kapag nakakakita ako ng ipis, hindi naman ako basta basta nagpapanic, nasigaw, natalon o tumatakbo agad. depende yun sa sitwasyon. Yung nakita kong ipis kagabi, sa kwarto ko yun at ako lang mag isa. Kapag ganyan ang sitwasyon, Kinikilabutan ako at gusto ko agad na patayin siya pero pinagpaplanuhan ko pa yun depende kung saan siya ko siya nakita, kung gano kalaki at kung pano siya kumilos. Madami ako paraan para mawala sa paningin ko yang ipis. Nandiyan yung kinulong ko siya sa lata ng pringles, sinakluban ko ng tabo tapos pinapatay ko pa sa bayaw ko at ang pinakamahirap sa lahat ay yung patayin yung nalipad na ipis sa dingding at kurtina. Pero hangga't maaari, Gusto ko patay agad ang ipis dahil ayokong nakikitang nakabaligtad siya habang napakabilis niyang kinakampay ang kanyang mabalahibong paa. Dapat isang hampas lang ng tsinelas, patay na agad pero kapag nakawala pa siya o nakatago sa isang sulok o kaya lumilipad siya, magulo na ang buong kwarto ko, ok lang sakin, mapatay ko lang siya. Kapag napatay ko na, nahihirapan naman akong itapon siya kasi ayoko siyang gamitan ng dustpan o kaya walis dahil minsan kala mo patay na pero bigla siyang tatakbo o kaya nakampay kampay pa. Madalas ang ginagawa ko, dadamputin ko siya, gamit ang dobleng diaryo, para hindi ko maramdaman ang presensya niya tapos yun diretso sa trash can.
Kapag naman nandiyan ang mga kapatid ko at magulang, ok lang na makita ko sila basta wag lang kikilos palapit sakin pero madalas inuutusan ko silang patayin agad yan. Kapag naman nasa ibang bahay ako o sa mga kaibigan ko (na hindi nakaka-alam na takot pala ako sa ipis), nagtatapang-tapangan ako na makita sila kahit nalipad pa (minsan nga dumapo pa sa damit ko pero tinapik ko lang). Pero sa mga kaibigan ko na maloko, he!he!, yung hinahagisan ako ng ipis at lalo akong tinatakot, yan diyan ako madalas magpanic, tumakbo, tumalon at sumigaw. Afterall kaibigan ko pa rin sila! he!he!
Minsan naisip ko dapat hindi ko nalang sinabi na takot ako sa ipis kasi kapag alam nila na takot sa sa isang bagay, lalo ka nilang lolokohin kaya magmumukha kang katawa-tawa sa paningin nila. Yung iba naniniwala na "face your fears" daw para mawala yan pero ang nangyari sakin, lalo akong natakot sa ipis. Kaya kung sinuman ang magtatanong kung may takot pa ba ako sa ipis? he!he! kailangan pa bang i-memorize yan... siyempre hindi na ako takot sa ipis! Matanda na ako at matapang kaya kayang kaya ko na silang lipunin (lunok!!!). Kaya sa mga may takot sa ipis diyan, simula ngayon, pagkatapos nyo itong mabasa, hindi na dapat kayo matakot sa ipis... kung takot pa rin kayo at may magtanong sa inyo, sabihin nyo pa rin hindi ako takot, kung ayaw nyong mahagisan ng matinik at mabalahibong...ipis.
Yung kapatid ko namang babae, takot sa bulak kaya kapag may sugat siya, madalas naiyak siya hindi dahil sa sugat kundi dun sa dampi ng bulak. He!He! Amazing di ba? (may sariling storya ang kapatid ko regarding diyan sa bulak na yan.) He!He!.