"Masilayan lang kita'y maligaya na ako!"
Basahin ang dalawang pangungusap sa itaas. Mag pagkakaiba ba sila ng kahulugan? Sa umpisa'y masasabi mong wala pero hindi mo ba naisip kung ano ang pagkakaiba ng masaya sa maligaya? Mababaw ang kahulugan ng masaya habang ang maligaya'y malalim. Masasabi mong masaya ang isang tao kapag siya'y pala-ngiti't palatawa kahit di mo siya kilala samantalang mahirap malaman kung sino ang taong maligaya sapagkat ang tanging nakakaalam lang nito'y ang ating puso. Napakahirap matamo ng tunay na kaligayahan sa buhay. Ang iba'y patuloy sa paghahanap nito, sa kabila ng kanyang kayamanan at katanyagan sa buhay, habang ang iba nama'y hindi na natamo hanggang sa huling yugto ng kanyang buhay. Sapagkat ang tunay na kaligayahan'y nakakamit lamang; ng taong kuntento na sa buhay, kapag nalaman na niya ang "purpose" niya sa buhay at higit sa lahat'y kapag natagpuan na niya ang tunay na Diyos sa kanyang buhay.
Samakatuwid, ang tinutukoy ng nagpapahayag sa unang pangungusap'y 'sang taong nagbibigay sa kanya ng aliw at saya. Maaaring siya'y isang palabiro't masayahing kaibigan na nagbibigay ngiti sa kanya o kaya'y isang hayop na sobrang malapit sa kanya. Ang tinutukoy naman sa huling pahayag'y walang hanggang kasiyahan, sapagkat, iilang tao lang ang pwedeng makapagpbiay ng tunay na kaligayahan sa ating puso. Ang isang beses na pagkikita'y katumbas ng madalas nilang pagkikita. Maaaring ang tinutukoy ng nagpapahayag'y ang kanyang nililiyag o sinisinta na ibig niyang makasama sa habang buhay. Suriin naman natin ang susunod na pahayag.
"Mahal kita bilang 'sang tunay na kaibigan."
Nang dahil sa pag-ibig nagmahal ng lubos
Ang puso kong ito ng di umaasang
Tumbasan mo ang pag-ibig ko
Nang dahil sa pag-ibig sunud- sunuran ako
Sa lahat ng gusto mo
Nang dahil sa pag-ibig
Umiiyak ngayon ang puso ko
Ang pagmamahal naman ay katumbas ng salitang Griegong "filia" ang tao'y natututong magmahal sapagkat siya rin ay minamahal ng taong kanyang minamahal bilang kapalit. Halimbawa nito'y pagmamahal sa magulang, kapatid, sa "opposite sex" atbp. Ang filia ay pwedeng tumaas ang antas sa pagiging agape pero ang agape'y hindi pwedeng bumaba sa pagiging filia. Kaya ang ating pagmamahal sa kapwa'y pwedeng maging pag-ibig sa kapwa depende sa ginagawa at nararamdaman natin.
Ang pagsinta nama'y isang aktuwasyon sa paraang may paglalambing, panunuyo at paggalang sa kanyang minamahal habang ang pag-irog nama'y isang aktuwasyon ng pagiging romantiko sa kanyang minamahal. Ang apat na ito'y napagkakamalang nasa parehong antas dahil iisa lang naman ang katumbas nito sa Ingles... LOVE.
Sa mga di pa nakaka-alam, ang bahay ay isang istraktura o gusali na tinitirhan ng tao. Maaaring tawaging bahay ang isang gusali kahit na ito'y puro pundasyon pa lamang. Ang tahanan nama'y isang gusali o bahay na kung saan ang isang pamilya'y maligaya at matiwasay na namumuhay. Tanong ko ngayon saan ka nakatira, bahay o tahanan?
Ang syota/dyowa ay nangangahulugang di seryoso at panandaliang pakikipag-relasyon sa kapwa habang ang mag-nobyo't mag-nobya o magkasintahan ay nangangahulugang seryoso at tapat na pakikipagrelasyon sa "opposite sex"
three simple words,
easy to say but hard to do;
Three common words,
that when your heart got it,
your entire systems will be affected;
three combined words'
that no one man can easily understand
nor resist from it without full appreciation;
three different words,
that even the "bright head man"
become an idiot person when conquered by these.
three powerful words,
that only woman's secret weapon;
and three familiar words,
that a man's secret weakness!
Ilang beses mo na bang binigkas at narinig ang "I Love You!" Sa pagbigkas mo nito, 'di ba pumasok sa isip mo ang katanungang bakit nasa gitna ang "love", nasa kanan ang "you" at nasa unahan ang I? Naitanong ko yan sa sarili ko at may sumagot naman. Ang namamagitan sa dalawang nagmamahalan'y "LOVE". Kaya nasa kanan ang YOU dahil ito'y nangangahulugan nang pagmamahal ng buong katapatan at 'di pangangaliwa. Ang pagiging nasa unahan naman ng I ay ngangahulugang dapat munang matutong magmahal ang sinumang bibigkas nito. Iyan ang dahilan kung bakit hindi sinabing "You love me! Ngayon, karapat-dapat ka bang bumigkas nito?
the greatest usefulness,
the most open communication,
the severest truth,
the noblest sufferings,
and the greatest understanding
between friends.
May mga tao na ang hinahanap ay "friend" sa halip na friendship kaya madalas ay sa mga mabubuting bagay mula sa kaibigan nakatuon ang ating isip at atensyon sa halip na humanap ng paraan kung paano yayabong at mapapanatili ang pakikipagkaibigan. Natatawa ako dahil may katrabaho akong lahat ng taong kakilala niya'y tinatawag na "friend..." kahit hindi naman niya ka-close. he!he! anyway, ang tunay na pakikipag-kaibigan ay 'di hinahadlangan ng space at time. Kahit na gaano man siya kalayo o halos hindi na kayo nagkikita'y maaari pa ring mapanatili ang inyong friendship lalo na sa panahon ngayon. Nandioyan ang chat, friendster, email, cellphone atbp. Kaya yung bestfriend ko mula pa noong kami'y nasa elementarya ay bestfriend ko pa rin hanggang ngayon. Dati pa naman napakamabagal umusad ng ating teknolohiya dahil sa kinatatakutang millenium bug o Y2K bug kaya hindi pa uso ang cellphone, email, etc. pero napanatili pa rin namin ang aming pagkakaibigan sa pamamagitan ng simpleng pagsusulatan at minsanang pagkikita.